| Archives |
BOYONG: TAGAPAGTATAG NG
PITONG BAYAN
ni Kristoffer R. Esquejo[1]
Sa kasalukuyan ay mayroong 17
munisipyong bumubuo sa lalawigan ng Romblon. Siyam ang nasa
Tablas, tatlo sa Sibuyan, isa sa Carabao, isa sa Romblon, isa sa Sibale, isa sa
Simara at isa sa Banton. Kapansin-pansing maraming pangalan ng ating mga bayan
ay pawang nakapangalan sa santo at santa tulad ng mga sumusunod: San Andres,
San Agustin, Santa Fe, Santa Maria at San Fernando. Ibig sabihin ba nito ay
talagang napakarelihiyoso, maka-Diyos at debotong Kristyano ang nakararami sa
ating mga kababayang Romblomanon?
Kung
babalikan ang mga lumang dokumento tungkol sa kasaysayan ng lalawigan, halos
lahat ng pangalan ng mga bayan dito ay pawang bago, pawang Hispanisado at
Kristyanisado. Hindi alam ng lahat na ang mga ito ay may sinaunang mga pangalan
na ibinigay ng mga orihinal nitong tagapagtatag. Tiyak na mapapaisip at baka
hindi agad paniwalaan ng marami sa atin kung mababatid na mga boyong ang
nagtatag ng kanilang mga bayan.
Ano
ba ang mga boyong? Sila ay mga taga-Panay na nagtataglay ng dalawang magkasalungat
na reputasyon. Una, sila ay kilalang matatapang na tao na patuloy na lumalaban
at ayaw pailalim sa mga Kastila kahit na nasakop na ang buong isla ng Panay. Ikalawa,
sila din ay binabansagang mga kriminal o masasamang tao dahil sa nakagawa sila
ng mga bagay tulad ng pagnanakaw, pagpatay at iba pang gawain laban sa mga
Kastila at mga katutubong nagpasakop. Dahil sa mga pagtatangkang hulihin at
parusahan sila, marami sa kanila ang nagsitakas at nagsitungo sa isla ng Tablas
upang mapanatili ang kanilang kalayaan at dating uri ng pamumuhay.
Ayon muli sa Brief History of a Typical Philippine Town (pp. 21-22) ni Mateo Meez,
pitong bayan ang naitatag ng mga boyong sa isla ng Tablas. Dahil lahat ng mga
ito ay pawang
Ano
ang implikasyon ng katotohanang ito? Para sa akin, kung nais talaga ng ating
mga lokal na alkalde na maging matapat sa kani-kanilang lokal na kasaysayan,
dapat nilang tanggapan ang katotohanang mga boyong nga ang kanilang mga
tagapagtatag. Negatibo man ang kanilang imahe sa paningin ng mga Kastila, sila
ay maituturing na mga sinaunang bayani nating mga Pilipino, lalung-lalo na
nating mga Romblomanon. Bakit? Dahil nagtagumpay silang igiiit ang kanilang
kalayaan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng bagong buhay sa isang bagong lugar.
Walang masama kung panatilihin ang
pagkilala sa mga patrong santo ng bawat bayan ngunit mas mainam kung ilalagay
ng bawat munisipyo na ang taon ng kanilang pagkatatag ay hindi ang taon kung
kailan ito naging pueblo kundi kung kailan ito naitatag ng mga magigiting na boyong.
Kung magagawa ito ng ating mga lokal na lider, tiyak na hahangaan sila ng
susunod na henerasyon ng mga Romblomanon na ipagmamalaki ang kanilang
kasaysayan at tiyak na gagawa ng kasaysayan sa hinaharap.
[1] Ang manunulat ay instruktor ng
kasaysayan sa UP Diliman. Para sa komento at suhestiyon, malayang mag-email sa
kris_esquejo@yahoo.com
| Blog Comments | ||||||||||||
|
7/7/2009 4:24:13 PM
| ||||||||||||
|
7/10/2009 1:50:51 AM
| ||||||||||||
|
7/10/2009 4:48:26 AM
| ||||||||||||
|
7/11/2009 6:13:23 AM
| ||||||||||||
|
7/11/2009 7:33:13 AM
| ||||||||||||
|
7/11/2009 7:43:27 AM
| ||||||||||||
|
7/11/2009 9:50:46 PM
| ||||||||||||
|
7/12/2009 8:23:06 AM
| ||||||||||||
|
7/12/2009 10:23:07 PM
| ||||||||||||
|
7/13/2009 2:25:14 AM
| ||||||||||||