| Archives |
Alam kong marami na ngayong hindi naniniwala na ang mga kabataan parin ang pag-asa ng ating bayan. Hindi natin sila masisisi dahil sa mga hindi kanais nais na nangyayari sa ating kapaligiran. Ngunit kung ating iisipin, sino ba ang mga susunod na henerasyon? Kanino tayo aasa para sa kinabukasan ng atin probinsya?
Maraming kabataang hindi nakakapag-aral sa ating probinsya at ang kalimitang dahilan ay ang kahirapan. ngunit kung ating iisipin kung ang mga kabataang ito ay naghahanap lamang ng paraan para makapag aral, sanay wala nang mga tambay at mas lalong uunlad ang atin bayan.
Nais kung mulatin ang mga kapwa ko kabataan na hindi tayo dapat nakadipende sa ating mga magulang. hindi sa lahat ng panahon ay nandyan sila sa ating tabi. alamin natin ang ating kakayahan at kamitin ito sa ikakaunlad ng ating sarili at ng ating bayan.
Hindi hadlang ang kahirapan. Lalo na sa mga Kabataang Romblomanon. Ipakita natin sa mundo na kaya nating iangat ang kalidad ng pamumuhay sa ating probinsya
| Blog Comments | ||||||||||||
|
7/27/2009 9:02:27 AM
| ||||||||||||
|