Archives
News

 Contingency Plan Formulation Workshop

Isinagawa sa Looc 

Romblon Sun

(News)

 

          Looc - Ginanap ang dalawang araw na Contingency Plan Formulation Workshop sa bayang ito noong Agosto 25-26, 2009 upang talakayin ang mga paghahanda kapag may mga sakunang dumarating sa bansa.

Ang dalawang araw na workshop ay isinagawa sa Koica Hall ng ahensya ng National Disaster Coordinating Council - Office of the Civil Defense (NDCC - OCD) Region 4B sa pangunguna ni Regional Director Norma C. Talosig, kasama sina Allan S. Virtucio, at Minerva R. Alcaraz bilang mga resource speakers.

Ang mga naging participants sa naturang formulation workshop ay kinabibilangan nina meyor Juliet N. Fiel, Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC), mga konsehal, barangay kapitan ng ibat-ibang barangay ng bayang ito, mga kagawad, barangay tanod, mga principal ng ibat-ibang paaralan, at miyembro ng Nene Emergency Action Team (NEAT).

Tinalakay sa nasabing workshop kung papaano mapaghahandaan ang mga sakuna --natural at man made tulad ng pagplano, preparasyon, pagresponde at pagrecover kung sakaling dumarating ang sakuna.

Natutunan naman ng mga dumalo ang mga sumusunod: To identify the hazards and disasters in the Philippines and their effects; Awareness of the Philippine Disaster management system, its institutional and operational arrangements; Mobilize effective actions and resources for emergency response; General commitment among partners to act in a coordinated manner before the emergency occurs; and Design a concrete and dynamic plan that will be made operation when emergency occurs.

Umabot naman sa humigit-kumulang 70 kalahok ang dumalo sa nasabing workshop. (RSUNStaff)