Archives
OP-Eds

« on: December 06, 2009, 08:53:18 PM »


<a href="http://www.romblonpost.com/8742rs/eranes.swf" target="_blank">http://www.romblonpost.com/8742rs/eranes.swf</a>

  watching you
SINO BA ANG NAGPASIMULA NG PROBLEMA SA KAPITOLYO?
 fear1r  newspaper



Noong nakaraang linggo sa aking Radio Program sa 104.5 Hot FM – Looc (tuwing linggo 8:00 – 9:00 AM), ating tinalakay kung paano nga ba talaga nagsimula ang problema sa kapitolyo ng Romblon kung saan, hanggang sa kasalukuyan ay damang-dama ng mga Romblomanon ang epekto ng kahirapan dahil sa maling pamamahala at maling prioridad sa pagamit ng pondo na ginagawa ng ating mga lider sa lalawigan.
  
Ganito nag-umpisa ang problema.

Noong 2001, bago maupong gobernador si Budoy Madrona (congressman ngayon), ang empleyado ng kapitolyo ay umaabot lamang ng humigit-kumulang 600 ang bilang sa panahon ni dating governor at ngayon ay Presiding Judge ng RTC Br. 82-Odiongan  Judge Jose Madrid. Ang naturang bilang ng mga empleyado ng kapitolyo ay tama lamang at may sapat na pondong inilalaan ang probinsya bago pa man nagkaroon ng structural reorganization ang kapitolyo.

Ayon sa record, ang lalawigan ng Romblon ay IRA (Internal Revenue Allotment)  dependent kung saan, 96% ng kabuuang budget nito ay nanggagaling sa pondo ng national government at tanging 4% lamang ang nanggagaling sa local income.

      
Batay sa itinakda ng Local Government Code para doon sa mga third class na Local Government Unit (LGU) kung saan napabilang ang lalawigan ng Romblon, 45% mula sa kabuuang budget nito ang ipinahihintulot para sa Personal Services (PS) allocation. Ang MOOE (Maintenance Operation and Other Expenses) ay 30% naman ang nakalaan, ang Infrastructure o Infra ay 20% at ang Calamity fund ay 5% para sa kabuuang 100% ng taunang budget ng probinsya. Ibig sabihin, may mga nakalaang pondo ang apat na bahagi ng basic services na ito ng probinsya kung saan, dito ibina-base ang paghati-hati ng kabuuang pondo. Kapag sumobra ka sa pagamit ng nakalaang pondo sa isa man sa mga ito, tiyak na magkabuhol-buhol ang problema at magkakaroon ng chain reaction mula umpisa hanggang dulo.

  
Noong pag-upo ni Budoy bilang gobernador ng Romblon, naging 1,018 ang dating 600 na bilang ng mga empleyado ng kapitolyo kung saan, hanggang sa kasalukuyan ay lagpas-lagpasan na ito sa Personal Services limitation na umaabot na halos sa 67%. Ang masakit pa nito, hindi lamang basta casual na empleyado ang mga ito kundi naging permanent employees ang status ng karamihan sa kanila! Maawaing Bathala sa Langit!
  
Ang tanong, saan kinuha ni Budoy ang ipina-sweldo sa humigit-kumulang 400 empleyado na kanyang itinambak sa kapitolyo noon? Ang sagot, kinuha ni Budoy ang ipinasahod sa mga naturang empleyado doon sa pondo ng MOOE ng lalawigan kung saan, ito sana ay nakalaan sa pagpapaayos ng mga sirang imprastraktura -- tulad ng kalsada ng Balatucan-Malilico at iba pang gastusin ng probinsya.  
  
Isang matibay na rason kung bakit hindi man lamang mapahiran ng kahit konting semento o kaya ay aspalto ang kalsadang bitak-bitak mula Looc-Balatucan-via-Malilico-Anahao-Odiongan ay dahil wala ng pondo ang MOOE ng ating lalawigan dahil naubos sa pagpasahod ng mga excess employee ng kapitolyo. Ang nasabing kalsada ay ipinagawa noong panahon ni Budoy mula sa inutang na P182 milyon sa bangko. Ang naturang proyekto ay punong-puno ng anomalya dahil maliban sa sub-standard ang pagkagawa nito, hindi rin ito natapos at kulang-kulang apat na kilometro pa ang hindi nasemento na dapat sana, ayon sa program of work ay magdudugtong hanggang national road malapit sa barangay hall ng Anahao, Odiongan.

  
Sa pag-upo naman ni gob.Jojo bilang gobernador ng Romblon noong 2007, ang dating umaapaw na empleyado ng kapitolyo ay dinagdagan pa nito ng panibagong 33 katao na lalo pang nagpahirap sa dati ng sadsad na kalagayan ng lalawigan. Taon-taon, nagbabayad ang lalawigan ng Romblon ng humigit-kumulang P86 milyon para lamang doon sa mga sobrang empleyadong ito na wala namang ginawa kundi maghingutuhan at magkukot ng kuko sa opisina at magbantay ng oras ng uwian. Karamihan sa mga empleyadong ito ay mga political appointee ni cong. Budoy Madrona.
  
Ang masakit pa nito, ayaw aminin ng mga Sangganong Panlalawigan na mayroong PS excess ang lalawigan! Aysus, Marianong garapon! Pano nila masolusyunan ang problema ng kapitolyo kung ayaw nilang aminin na may PS excess dito. Ito ang tunay na ugat ng problema ng Romblon, ang PS excess!
  
Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit paulit-ulit na lamang ang report ng COA tungkol sa anomalya sa pagamit ng pondo ng kapitolyo dahil sa ayaw nilang solusyunan ang problema ng PS excess. Ang masaklap lang din sa COA, puro lang sila report, wala namang ginagawang aksyon para kasuhan ang mga "akab" na mga opisyal sa lalawigan. Wala rin pala silang pangil, a toothless tiger. Sana mangalmot naman kayo, kahit isa lang, para masampolan ang mga dorobong iyan!
  
Ang tanging pag-asa na lamang natin para maitama ang problema sa kapitolyo ay kung mapalitan sa 2010 si BM aka Bundat na Matrona at si BatMan aka Batang Mandarambong na siyang naglagay at nagtambak ng sobrang empleyado sa kapitolyo kung saan, ito ang dahilan ng labis na paghihirap ng ating lalawigan sa kasalukuyan.
  
Dito sa Romblon, partikular sa bayan ng Magdiwang sa isla ng Sibuyan, ay may katulad rin na pagpatay. Kung ating maaalala, ang mag-asawang Balaoro na balitang miyembro ng sektang Iglesia ni Cristo, at iba pang mga biktima ay walang awang pinatay dahil lamang sa ginto at sa kasakiman ng ilang namumuno sa ating lalawigan.
  
Ang masakit pa nito, wala man lamang nahuling salarin sa karumaldumal na pagpatay doon sa mag-asawang Balaoro at iba pang mga pinaslang na biktima.

Wala ring aksyon ang pamunuan ni mayor Baring Manzala at mga kapulisan ng Magdiwang doon sa nagyaring pamamaslang.
  
Ang tanging pag-sa na lamang natin para mapalitan ang mga inutil na opisyal na ito ay hintayin ang tamang oras upang alisin sila sa pwesto.
    
Malapit na, ilang buwan na lamang.